Beteranong journalist namatay sa edad na 84

By Justinne Punsalang December 29, 2017 - 09:37 AM

COURTESY: Inday Espina-Varona

Pumanaw na sa edad na 84 ang beteranong mamahayag na si Rolando ‘Rolly’ Espina gabi ng Huwebes.

Sa Facebook post ng anak at journalist na si Inday Espina-Verona, inanunsyo nito ang pagpanaw ni Espina sa loob mismo ng kanyang bahay sa Bacolod City at kapiling ng kanyang mga anak at apo.

Sa ngayon ay wala pang anunsyo tungkol sa burol at libing ng batikan mamamahayag.

Si Espina ay sumulat para sa Manila Chronicle at nagsilbing pinuno ng Philippine News Agency (PNA).

Bukod sa pagiging correspondent para sa iba’t ibang lokal at international na mga dyaryo ay naging editor rin si Espina ng Philippine Daily Inquirer at Philippine Star.

Nanilbihan rin siya bilang bise presidente ng National Press Club (NPC), pangulo ng Negros Press Club, chairman ng Negros Daily Bulletin, at isa sa mga nagtatag ng Visayan Daily Star.

TAGS: Rolando 'Rolly' Espina, veteran journalist, Rolando 'Rolly' Espina, veteran journalist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.