Ilang flights kanselado dahil sa sama ng panahon

Naglabas ng anunsyo ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng listahan ng ilang mga kanseladong byahe ng mga eroplano para ngayong araw.

Batay sa post ng MIAA sa kanilang official Facebook page, kanselado ang mga sumusunod na flights:

(CEBU PACIFIC)
– 5J 821: Manila-Virac
– 5J 822: Virac-Manila

Ang naturang kanselasyon ay dahil sa umiiral na sama ng panahon sa dadaanang lugar ng mga eroplano.

Paalala naman ng MIAA, maaaring mag-refund o rebook ang mga pasahero sa loob ng 30 araw sa pamamagitan ng paglapit sa airline companies tungkol dito.

Read more...