Septic tanker tumagilid sa Batasan-San Mateo Road sa Quezon City

By Justinne Punsalang December 29, 2017 - 07:53 AM

Nabangga muna ng isang septic tank truck ang isang pribadong sasakyan bago ito tumagilid sa kahabaan ng Batasan-San Mateo Road aa lungsod Quezon.

Ayon sa driver ng truck na si Antonieto Layagun, byaheng Marikina siya nang habang binabagtas ang naturang kalsada ay bigla na lamang sumulpot sa kanyang kaliwa ang kotse.

Ipinihit aniya niya ang manibela para sana iwasan ang sasakyan, ngnit hindi ito kinaya na nagresulta sa pagbangga pa rin dito at pagtagilid ng kanyang minamanehong truck.

Sa lakas ng impact ay nabasag ang windshield ng truck habang wasak naman ang unahang bahagi ng kotse.

Maswerte namang kapwa maayos ang kalagayan ng mga sakay ng truck at kotse.

TAGS: bangga, Batasan-San Mateo Road, quezon city, septic tank truck, bangga, Batasan-San Mateo Road, quezon city, septic tank truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.