Lasing na rider patay matapos maaksidnete sa Tondo, Manila

By Mark Makalalad December 29, 2017 - 07:48 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang angkas nito makaraang tumilapon mula sa sinasakyang motor sa kahabaan ng New Antipolo Street, Tondo, Maynila, mag-a-alas-11 ng gabi.

Naisugod pa sa Tondo Medical Center ang biktima na kinilalang si Alfie Del Rosario, 34 anyos makaraang magtamo ng sugat sa ulo. Bigla na lamang itong inatake sa puso sa kalagitnaan ng paggamot dito.

Sugat naman sa parehong braso ang tinamo ng kanyang kasamahan na Ronaldo Edang.

Sa imbestigasyon ng Abad Santos Police Station, parehong lasing ang dalawa dahil kagagaling ng mga ito sa party at ihahatid lang sana ni Del Rosario si Edang sa Blumentritt.

Mabilis umano ang patakbo ng driver, dahilan para mawalan ito ng kontrol sa minaneho at bigla na lamang tumilapon sa kalsada.

Kapwa hindi nakasuot ng helmet ang mga biktima.

Nanatiling nakabulagta nang ilang minuto si Del Rosario habang nang makarekober sa aksidente, ay agad tumayo si Edang at itinakbo nito ang kasamahan sa ospital.

Paalala ng mga otoridad lalo na’t kaliwat kanan ang mga party ngayong holiday season, iwasan ang pagmamaneho nang mabilis kapag madaling araw lalo na kapag nakainom ng alak at walang suot na helmet.

TAGS: aksidente, lasing, Maynila, motorcycle rider, patay, aksidente, lasing, Maynila, motorcycle rider, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.