2 akyat bahay arestado sa Barangay San Martin de Porres, Quezon City
Aabot sa ₱800,000 ang tinangay ng dalawang akyat bahay mula sa isang bahay sa Barangay San Martin de Porres sa lungsod Quezon.
Matapos ang ikinasang operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 ay naaresto ang mga suspek na sina Darwin Llumabas, dalawamput anim na taong gulang na residente ng Barangay Old Balara at Erwin Abantot, dalawamput siyam na taong gulang na residente rin sa naturang barangay.
Ayon sa biktima na hindi na nais pang magpapangalan, nagbakasyon ang kanyang pamilya sa Baguio noong December 23 at gamit ang kanilang online CCTV monitoring system ay tiningnan niya ang kanilang bahay kung saan nakita niyang nilooban na ito.
Agad na umuwi ang pamilya at dinatnang magulo ang kanilang tahanan.
Kabilang sa tinangay ang isang TV, ilang laptop at cellphone, mga alahas, relos, at cash na narekober naman ng mga otoridas, ngunit marami dito ay nadispatsa na ng mga suspek.
Bagaman na-trauma at malungkot dahil nasira ang kanilang pagdiriwang ng Pasko ay laking pasasalamat ng pamilya sa mga pulis dahil sa pagkakahuli ng mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.