Driver ng van sugatan matapos saksakin ng nakaalitang tricycle driver sa Tondo, Maynila

By Mark Makalalad December 29, 2017 - 07:35 AM

INQUIRER File

Sugatan ang driver ng van matapos saksakin ng isang tricycle driver na kanyang nakaalitan sa Delpan Bridge Northbound, Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Virgilio Rivera, 64 anyos at residente ng No. 794, De Sevilla Street, Binondo.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Renen Malonzo ng Moriones Police Station, lumalabas na nagmamaneho lang ng van ang biktima sakay ang kanyang mga pasahero nang biglang pumarada sa harapan ng kanyang sasakyan ang suspek.

Sa gitna ng trapiko, biglang na lamang nag-alburoto ang suspek dahilan para buksan ng driver ng van ang kanyang bintana at kumprontahin ang suspek.

Dito na biglang naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima na sa kabutihang palad ay mukha lamang ang tinamaan.

Agad na tumakas ang suspek sa papalayong direksyon. Hindi naman natukoy ang plaka ng tricycle na minamaneho nito.

Samantala, nagawa pa ng driver ng van na dalhin ang kanyang sarili sa Gat Andres Bonifacio Medical Center para magpagamot kasama ang ilan niyang mga pasahero.

TAGS: Maynila, stabbing, Tondo, Maynila, stabbing, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.