76 anyos na lalaki, patay matapos hindi makalabas sa CR ng nasunog na bahay sa Bel-Air

By Mark Makalalad December 29, 2017 - 06:50 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang 76 anyos na lalaki matapos hindi makalabas sa CR sa nasunog na bahay sa N. Garcia Street, Barangay Bel- Air, Makati City.

Ayon kay Superintendent Roy Aguto ng Bureau of Fire Protection (BFP), sinubukang magtago sa CR ng lalaki sa pag-aakalang makakaligtas sya sa apoy pero dito na sya na-trap.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay alas- 10:41 ng gabi at mabilis na itinaas sa ikalawang alarma dahil gawa sa light materials ang bahay.

Nadamay din ang isang katabing bahay ng nasunugan.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa pinagmulan ng apoy at inaalam pa ang kabuuang pinsala nito.

Maghahating gabi nang tuluyang naapula ang apoy.

TAGS: Bel-Air, makati city, sunog, Bel-Air, makati city, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.