P250K ng shabu nasabat ng mga otoridad sa Quezon City

By Justinne Punsalang December 29, 2017 - 06:30 AM

Arestado ang dalawa katao matapos magsagawa ng drug buy bust operation ang Quezon City Police District – District Drug Enforcement Unit (QCPD-DDEU) sa panulukan ng New York at West Point sa Barangay E. Rodriguez sa lungsod Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Pierre Anson Salandan, 32 taong gulang na residente ng Mandaluyong City at isang labing anim na taong gulang na binata mula sa Pasay City.

Ayon kay QCPD director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, nag-ugat ang naturang operasyon mula sa naunang buy bust laban sa dalawang drug suspect sa Barangay Payatas kung saan ang itinurong supplier ay sina Salandan.

Nasabat mula sa mga suspek ang dalawang plastic na naglalaman ng kabuuang 50 gramo ng shabu at may street value na P250,000.

Paninigurado ni Eleazar, magpapatuloy ang maigting na kampanya ng pulisya at pamahalaan laban sa iligal na droga para maging drug-free ang mga barangay sa Quezon City.

TAGS: buy bust, quezon city, shabu, buy bust, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.