Nakamamatay na lamig, nararanasan sa ilang bahagi ng North America at Canada
Pambihirang lamig ang nararanasan ngayon sa ilang bahagi ng Northern United States at Canada na pinangangambahan ng mga eksperto na tatagal hanggang sa pagsisimula ng 2018.
Naitala ang bagong record low na -36.6 degrees Celsius sa Mount Washington sa New Hampshire kung saan nararanasan ang bansag na “worst weather in the world.”
Sa Minnesotta naman na tinagurian ang sarili bilang “Icebox of the Nation”, bumagsak na sa -38 degrees Celsius ang temperatura.
Ayon sa weather forecasters, ang ilang bahagi naman ng Canada ay mas malamig na ngayon sa North Pole at sa planetang Mars.
Tinatayang aabot na sa 1.5 meters naman ang niyebe na bumagsak sa Erie, Pennsylvania mula noong Pasko.
Pinangangambahan ng mga opisyal na mas malaking volume pa ng pag-ulan ng niyebe ang mararanasan.
Mas malala naman ang naranasan sa ilang bahagi ng New York kung saan halos limang talampakang snowfall na ang naibuhos.
Kinailangan pa ng Lorraine Volunteer Fire Company na maghukay upang mai-rescue ang isang babae na naipit sa kanyang bahay bunsod ng niyebe.
Nagbabala ang mga awtoridad sa publiko ng ibayong pag-iingat sa frostbite at hypothermia at ipinayo ang pagsasagawa ng preventive measures laban sa masamang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.