State of calamity, idineklara sa Catanduanes

By Kabie Aenlle December 29, 2017 - 02:16 AM

 

File photo (2016)

Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Catanduanes dahil sa naging epekto ng hindi magandang lagay ng panahon sa kanilang lugar.

Ito’y bunsod na rin ng walang humpay na pag-ulan dahil sa tail-end of a cold front.

Ayon kay Catanduanes Gov. Joseph Cua, hindi na nakapag-hanapbuhay ang kanilang mga mangingisda at nagtatanim ng abaca dahil sa masamang panahon.

Sa pamamagitan ng deklarasyon ng state of calamity, mapapahintulutan ang lokal na pamahalaan na gamitin ang calamity fund para makapagbigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Gagamitin ito ng Catanduanes sa pagsasaayos sa mga matinding naapektuhan ng pagguho ng lupa at pagbabaha sa kanilang lalawigan.

Pinakamatindi namang apektado sa lalawigan ay ang mga bayan ng San Miguel, Caramoan at Bagamonoc.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.