Palasyo, may ‘palabra de honor’ sa tigil-putukan sa mga rebelde

By Kabie Aenlle December 29, 2017 - 03:58 AM

 

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa kabila ng paglabag ng New People’s Army (NPA) sa kanilang sariling unilateral holiday ceasefire, walang balak ang pamahalaan na bawiin ang kanilang ipinatupad na tigil-putukan laban sa mga rebelde.

Ayon kay Roque, hindi nila babawiin ang kanilang pangako at hahayaan na lamang ang NPA na ilabas ang kanilang tunay na anyo bilang mga traydor.

Alinsunod aniya sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, magpapatuloy ang idineklarang holiday ceasefire ng gobyerno hanggang sa Bagong Taon.

Gayunman, tiniyak pa rin ng tagapagsalita na hindi naman hahayaan ng pamahalaan na mamatay na lang sa kamay ng mga rebelde ang mga sundalo.

Kaugnay nito, maari pa ring gumamit ng pwersa ang mga sundalo bilang self-defense mula sa mga pag-atakeng patuloy na ikinakasa ng mga rebelde.

Matatandaang sa kabila ng pagdedeklara din ng Communist Party of the Philippines (CPP) ng unilateral ceasefire, sinalakay pa rin ng mga NPA ang mga sundalo at nagtangka pang dukutin ang isang militiaman noong Pasko.

Samantala, bagaman tutupad sila sa pangakong tigil-putukan, nanindigan si Roque na hindi na muling babalik sa peace negotiations ang pamahalaan kasama ang mga komunistang rebelde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.