Liza Soberano, No. 1 sa listahan ng 100 Most Beautiful Faces of 2017

By Justinne Punsalang December 29, 2017 - 12:52 AM

 

Pinataob ni Liza Soberano ang 90,000 na mga aktres sa buong mundo matapos siyang hirangin bilang No. 1 Most Beautiful Face ng 2017.

Inilabas at ginawa ang listahan ng Independent Critics na pinangunahan ng film critique na si TC Candler sa isang Youtube video.

Noong nakaraang taon ay nasa number 2 spot si Liza, kasunod ng English model-actress na si Jourdan Dunn.

Si Liza ang kauna-unahang Pilipinang nalagay sa top spot ng listahan simula nang ito ay umpisahan noong 1990.

Kasama rin sa The 100 Most Beautiful Faces of 2017 ang mga Kapamilya actresses na sina Kathryn Bernardo sa 60th place at Nadine Lustre sa 78th. Pasok din sa listahan ang Kapuso actress na si Kim Domingo na nasa 98th spot.

Kasabay na inilabas ng Independent Critics ang The 100 Most Handsome Faces of 2017, kung saan kabilang sina James Reid na pumang-apat sa listahan, Enrique Gil na nasa 61st place, at Daniel Matsunaga na nasa 88th spot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.