EU magbibigay ng P34 milyong ayuda sa mga biktima ng bagyong Vinta

By Justinne Punsalang December 29, 2017 - 12:17 AM

 

Nasa 570,000 euros o halos P34 milyon ang ibinigay na pledge ng European Union (EU) para sa mga nabiktima ng bagyong Vinta.

Sa isang pahayag, sinabi ng EU na ang naturang pondo ay para makatulong sa relief efforts at mabigyan ng pangunahing pangangailangan ang mga pamilyang naapektuhan ng naturang bagyo.

Kasabay nito ay nagpahayag rin si EU commissioner for Humanitarian Aid and Crisis Management Christos Stylianides ng pakikiramay sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pananalasa ng bagyong Vinta.

Kabilang sa paglalanaan ng pondo mula sa EU ang emergency shelter, mga pangunahing gamit sa loob ng bahay, malinis na tubig, at hygiene kits.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.