Rep. Leni Robredo, hindi pa pumapayag na maging VP ni Roxas – PNoy

By Alvin Barcelona September 23, 2015 - 08:18 PM

 

Inquirer file photo

Aminado si Pangulong Benigno Aquino III na hindi pa nila nakukumbinsi si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na maging kandidato bilang bise presidente ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa 2016 elections.

Ginawa ito ni Pangulong Aquino matapos na kumpirmahin na nag -usap sila kahapon ni Robredo kasama si Roxas, DSWD Secretary Dinky Soliman at dalawa sa tatlong anak nito.

Gayunman, sinabi ng pangulo na naging pagkakataon ito para ilabas ng Kongresista ang mga agam-agam nito.

Nailatag naman nila kay Robredo ang mga dapat at na asahan at dahilan kung bakit nila napili ito na maging ka-tandem ni Roxas.

Hindi pa naman aniya tapos ang usapan dahil muli silang magpupulong ni Robredo.

 

TAGS: 2016 elections, Leni Robredo, Mar Roxas, president aquino, 2016 elections, Leni Robredo, Mar Roxas, president aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.