Petisyon kontra martial law extension minaliit ng Malacañang

By Chona Yu December 28, 2017 - 07:26 PM

Inquirer file photo

Binalewala lamang ng Malacañang ang inihaing petisyon ni Albay Congressman Edcel Lagman na kumukwestyun sa legalidad ng pinalawig na martial law sa Mindanao region.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakahanda ang Palasyo na idepensa ang batas militar sa Mindanao na iiral ng hanggang sa katapusan ng 2018.

Giit pa ni Roque, imahinasyon lang ang naiisip ng mga kontra sa naturang hakbang na ang martial law sa Mindanao ay magiging permanente na gayung ito’y unconstitutional o labag sa batas.

Binigyang diin ni Roque na dumaan sa proseso ang extension ng batas militar dahil pinagpasyahan ito ng sangay ng ehekutibo at ng kongreso.

Hindi rin naman aniya maaaring maliitin ang mayorya ng mga mambabatas na bumoto pabor sa pagpapalawig sa botong 240 kontra sa 27 tutol.

Malinaw din ani Roque na nailahad ng mga security ground commanders ang rason kung bakit kailangang magpatupad pa ng isang taong extension ng martial law.

TAGS: edcel lagman, Malacañang, Martial Law extension, Supreme Court, edcel lagman, Malacañang, Martial Law extension, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.