Erap nagmigay ng aginaldo sa mga residente sa Baseco Compound sa Tondo

By Ricky Brozas December 28, 2017 - 04:41 PM

Photo: Ricky Brozas

Hindi magkamayaw ang mga residente ng Baseco Compound sa Tondo, Maynila habang pumipila para sa pamaskong handog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Madaling araw pa lamang ay pumila na ang karamihan sa kanila para maagang makatanggap ng aginaldo mula sa Manila City Hall.

Mas lalong natuwa ang mga residente sa lugar nang dumating si Manila Mayor Joseph Estrada.

Habang nagbibigay ng mensahe ay tinanong ni Erap ang opisyal ng Manila City Social Welfare and Development kung ano ang laman ng pang-aginaldo sa mga taga-Baseco.

Hindi nasiyahan ang alkalde sa sagot nito dahil wala palang kasamang bigas ang regalo.

Nangako naman ang alkalde na kaagad na isusunod na ipamimigay ang mga bigas sa mga residente sa Baseco Compound.

Nagpasalamat naman ang ilang mga residente sa regalo sa kanila ni Mayor Estrada.

Maliban sa Baseco Compound ay may pamaskong handog din para sa mga residente sa Smokey Mountain, Tondo Sports Complex at pati sa mga bilanggo sa Manila City Jail.

TAGS: baseco compund, Erap Estrada, Tondo, baseco compund, Erap Estrada, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.