Trust fund para sa mga tauhan ng Bureau of Immigration aprub kay Duterte
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration na gumawa ng trust fund para pambayad sa sweldo at overtime ng kanilang mga empleyado.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay matapos ilatag kahapon ng pangulo sa kanyang veto message na papayagan niya ang B.I na bumuo ng trust fund mula sa makokolektang express lane fees at iba pang charges.
Pero ayon kay Roque sasailalim pa sa pagsusuri ng Department of Justice, Department of Budget and Management at Commission on Audit para sa guidlines ng trust fund.
Ayon kay Roque ang pagbuo ng trust fund ay patunay na inaalala ng pangulo ang kapakanan ng mga manggagawa sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.