Bagyong ‘Jenny’ nasa loob na ng PAR

By Jay Dones September 23, 2015 - 08:09 PM

 

www.pagasa.dost.gov.ph

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang tropical storm na may international name na Dujuan.

Sa 5PM update ng PAGASA, namataan ang bagyo na tatawagin nang ‘Jenny’ sa layong 1,375 kilometro ang layo mula sa silangang bahagi ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas na 65 kilmetro bawat oras at pagbugso na 80 kilometro bawat oras.

Tinatahak ng bagyo ang west northwest direction sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Inaasahan naman na hindi tatama sa lupa ang bagyong ‘Jenny’ at sa halip, dadaan lamang ito sa karagatan sa silangang bahagi ng Northern Luzon

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo sa Linggo .

 

TAGS: bagyong jenny, weather update sep 23, bagyong jenny, weather update sep 23

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.