Suspek sa pagpatay sa mag-ina sa Gen.Trias, Cavite, sumuko sa Eastern Samar Police

Google Maps

Sumuko na sa mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa mag-ina sa General Trias, Cavite.

Sa isang panayam, sinabi ni Senior Supt. Tranquilino Araral, Director ng Eastern Samar Provinicial Police Office, sumuko si Ruel Cabatingan sa pulisya ngayong umaga.

Ayon kay Araral, dumating sa Borongan, Eastern Samar si Cabatingan noong December 14 at nagtago sa bahay ng kanyang kamag-anak.

 

Inamin umano ng suspek na pinatay niya ang mag-ina sa pamamagitan ng pagsakal sa mga ito.

Magugunitang noong December 11, nadiskubre ang mga labi ni Ruby Gamos at ng kanyang pitong taong gulang na anak sa kanilang bahay sa isang subdivision sa General Trias. Bunsod nito, napauwi sa bansa ang seaman at asawa ng biktima na si Marlon Gamos.

Isinailalim sa booking procedures si Cabatingan na nahaharap sa kasong murder. Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya ng Eastern Samar sa Cavite police.

Read more...