SWS Survey: Robredo, nakakuha ng “good” satisfaction rating
Nakuha ni Vice President Leni Robredo ang “good” satisfaction rating sa 42%, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa nasabing survey, 63% ng mga Pilipino ang kuntento sa trabaho ni Robredo habang 21% naman ang hindi kuntento.
Tumaas nang 16 na puntos ang rating ng bise presidente sa Mindanao habang bumaba naman nang walong puntos sa Metro Manila at limang puntos sa Visayas.
Napanatili naman ni Robredo ang kanyang rating sa Luzon.
Ayon sa SWS, pinakamalaki ang ibinaba ng rating sa Class E o ang mga nasa “laylayan” habang ang pagtaas ng net satisfaction rating ni Robredo ay nasa class A, B at C.
Isinagawa ng SWS ang survey mula December 8 hanggang 18 sa pamamagitan face-to-face interviews sa 1,200 adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.