Sinabayan ng Kilos Protesta ang pagdiriwang ng ika 114th Anibersaryo ng Korte Suprema, Huwebes ng umaga.
Lumusob sa harapan ng gusali ng Korte Suprema sa Padre Faura St. sa Maynila ang nagpakilalang mga dating empleyado ng HSBC Bank.
Bitbit nila ang mga plakard na nagsasaad ng kanilang sentimyento at hiniling sa Mataas na Hukuman na desisyunan na ang mahigit dalawang dekada na nilang kaso.
Paliwanag ni Isabelo Molo, Officer-in-Charge ng HSBC employees Union nais lang nilang malaman kung ano ang magiging hatol ng SC sa kanilang kaso. Handa naman umano silang tanggapin kung sila ay matatalo sa hinahabol nila laban sa kanilang dating emplyer.
Sinabi ni Molo na 22 taon nang nakabinbin ang kaso sa Mataas na Hukuman pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nareresolba.
Makailang ulit na rin aniya silang simulat Kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno para alamin ang pag-usad ng kaso per wala aniyang tugon ang tanggapan ni Sereno.
Ayaw naman isipin ng grupo na may nag-iimpluwensiya sa Korte Suprema para sadyaing maantala ang ang kaso./Ricky Brozas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.