Tubero, patay nang malunod sa water tanker

Kuha ni Mark Makalalad

Patay na nang maiahon ang isang tubero na nalunod matapos lumusong sa water tank sa isang commercial building sa Rufino Street, Makati City.

Kwento ni Richard Perez, maintenance worker, tutulong lang sana ang biktima na si Roland Ferrer sa pagkakabit ng floating valve pasado ala-1:30 ng madaling araw nang bigla itong nakabitaw sa lubid.

Sa kasamaang palad, hindi marunong lumangoy ang biktima at agad na nalubog sa water tank na may lalim na 10 hanggang 15 metro.

Agad naman na nagpasaklolo ang mga kasamahan ng biktima pero naging pahirapan ang pag-rescue dito.

Alas-2:48 nang maiahon ang biktima na iba na ang kulay sensyales na wala na itong buhay.

Read more...