Panawagan ng mga empleyado ng Marina na sibakin ang kanilang pinuno, hindi pa naaaksyunan

INQUIRER FILE

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa niya naaksyunan ang reklamo ng mga kawani ng Alliance of Maritime Industry Authority (MARINA) Employees na sibakin si MARINA Administrator Martial Amaro dahil sa madalas na junket o pagbiyahe sa abroad.

Paliwanag ng pangulo, ito ay dahil hindi pa siya nakababalik sa kanyang opisina sa Malacañang.

Aniya, “Not yet. I have not been to the office since the… about four days ago, tapos nag-dalawang araw ako doon sa sunog.”

December 21 nang isumite ng mga emplyeado ng MARINA ang reklamo at noong araw na iyon ay nasa Davao na ang Pangulo at dumalo sa commissioning BRP Lapu-Lapu at BRP Francisco Dagohoy sa Sasa Wharf.

Ayon sa pangulo, maaring ngayong weekend pa niya mababasa ang reklamo at maaksyunan ang anila’y madalas na pagbiyahe sa abroad ni Amaro.

Sinabi ni Duterte, “I’m supposed to be out again tomorrow and today. Hindi lang ako makapasok ng… I have to go back to Marawi some other time, maybe during this weekend because hindi ako makapasok.”

Matatandaang kamakailan lamang, sinibak ng Pangulo sina Presidential Commission for the Urban Poor chairman Terry Ridon at Development Academy of the Philippines president Elba Cruz dahil sa junket o pagbiyahe sa abroad.

Read more...