Solvent boy, arestado matapos magnakaw ng cellphone

By Mark Makalalad December 28, 2017 - 08:01 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang isang solvent boy matapos magnakaw ng cellphone sa isang accounting staff sa Rodriguez corner H Lopez St, Tondo, Manila.

Nakilala ang suspek na si Joseph Andal, 18 taong gulang at residente ng Balut, Tondo.

Ayon sa biktima na si Lyza, nakasakay sa jeep habang nagte-text sa asawa nang biglang dukutin mula sa bintana ng jeep ang kanyang cellphone pasado alas-6:00 ng gabi.

 

Agad na nagpasaklolo ang biktima at agad namang bumaba ang driver ng jeep at dumulog sa mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nagpaptrolya sa lugar.

Hinabol ng mga otoridad ang suspek at makalipas ang dalawang oras ay nakatanggap na ng tawag ang biktima mula sa MTPB na nahuli na ang suspek.

Pag amin naman ng suspek, nagawa niya lang ang pagnanakaw dahil bibili siya ng solvent at pagkain.

Hindi lang din daw ito ang unang pagkakataon na nagnakaw siya dahil marami na siya naging biktima.

Menor de edad pa lang daw siya ay gingawa niya ito at nakulong na sa Boys town.

Mahaharap ang suspek sa kasong robbery snatching.

TAGS: cellphone, robberry, snatching, solvent, cellphone, robberry, snatching, solvent

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.