Tumungo si Putin sa Central Election Commission kung saan isinumite niya ang kaniyang pasaporte, at ang 300,000 na pirma alinsunod sa requirements ng Russian legislation para sa mga tatakbong independent candidates.
Dahil sa target niyang re-election, tatagal si Putin ng hanggang 2024 sa panunungkulan.
Sakaling mangyari ito ay siya na ang longest-serving Russian leader pagkatapos ng diktador na si Joseph Stalin.
Isang araw bago siya pormal na maghain ng kaniyang nominasyon, mahigit 600 na celebrities, pulitiko at sports figures ang nagtipun-tipon sa Moscow para i-nominate si Putin.
Hindi naman nakadalo sa seremonya si Putin dahil sa mahigpit niyang schedule ayon sa Kremlin.
Ang mga makakalaban ni Putin sa presidential election ay ang beteranong ultra-conservative politician na si Vladimir Zhirinovsky, ang kandidato ng Communist Party na si Pavel Grudinin at dating socialite na naging liberal journalist na si Ksenia Sobchak.