Pagpunta ni Pangulong Duterte sa Marawi, nabitin dahil sa masamang panahon

 

Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang naka-plano sanang pagtungo sa Marawi City Miyerkules ng hapon dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.

Ayon sa pangulo, nais sana niya talagang pumunta sa Marawi City ngunit hindi na aniya nagawang makapasok ng presidential chopper sa Marawi City.

Dahil dito, lumipad na lamang si Duterte patungo sa Tubod, Lanao del Norte na sinalanta naman ng bagyong Vinta.

Nakatakda sanang i-turn over ni Duterte ang nasa 500 na temporary shelters sa Barangay Sagonsongan sa Marawi City sa mga pamilyang naapektuhan ng bakbakan sa lungsod.

Ayon kay Duterte, ito pa lamang ang unang temporary units na kanilang ibibigay alinsunod sa kanilang pangako sa mga taga-Marawi.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroon nang supply ng tubig at kuryente ang mga nasabing housing units.

Read more...