Welcome kay Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Office of Civil Defense (OCD).
Matatandaang kahapon ay opisyal nang inilagak ni Duterte si Faeldon bilang deputy administrator sa OCD.
Inamin naman ni Lorenzana na hindi nila hiniling si Faeldon para sa opisina.
Ayon pa sa kalihim, wala silang nalalaman ni OCD administrator Usec. Ricardo Jalad tungkol sa plano ng pangulo na ilagak sa kanilang opisina si Faeldon.
Gayunman, sinabi ni Lorenzana na anuman ang maging desisyon ng Palasyo ay kanilang susundin.
Maluwag naman aniya nilang tatanggapin si Faeldon sa OCD dahil ito ay isang tapat, dedicated at competent na opisyal na magsisilbing asset sa kanilang organisasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.