Faeldon, mananatiling detenido sa Senado kahit may bagong posisyon sa OCD-Lacson

By Ruel Perez December 28, 2017 - 12:38 AM

 

Mananatili sa detention facility ng Senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon kahit may bago na itong puwesto sa Office of Civil Defense.

Paliwanag ni Senador Ping Lacson, kahit muling na-appoint sa pwesto, hindi maaring basta palabasin si Faeldon mula sa pagapiit sa Senado.

Giit ni Lacson, bagaman hindi nila pwedeng diktahan ang pangulo kung sino ang itatalaga, hindi rin naman pwede diktahan nang pangulo ang Senado.

Aminado naman si Lacson na maaring italaga si Faeldon sa pwesto dahil hindi pa naman ito na-convict ng anumang krimen na magdi-disqualify dito sa appointment sa anumang posisyon sa gobyerno.

Maaari aniyang mag-assume at magfunction si dating Faeldon sa kanyang bagong posisyon sa OCD kahit sa pamamagitan ng remote control.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.