Southern Palawan, isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Vinta

By Justinne Punsalang December 28, 2017 - 12:39 AM

 

Isinailalim na ng lokal na pamahalaan ng Palawan ang katimugang bahagi ng lalawigan sa state of calamity matapos itong salantain ng bagyong Urduja at Vinta.

Hindi bababa sa 11 katao ang iniwang patay ng naturang dalawang bagyo, habang 27 naman ang nawawala hanggang sa ngayon.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Palawan, karamihan sa mga namatay ay mula sa liblib na barangay ng Mangsee sa bayan ng Balabac.

Ayon naman kay Gil Acosta, Public Information Officer ng Palawan, inaasahan nilang dadami pa ang bilang ng mga namatay hanggang sa 30 tao kapag nakatanggap na sila ng update mula naman sa mga search-and rescue teams na pinasok ang Barangay Mangsee.

Sa huling datos ng PDRRMO ng Palawan, kinilala na ang mga namatay na sina:
– Meradz Kanaing
– Muza Sahi
– Alliya Abdulmufti
– Romeo Tarsina
– Felix Polingtan
– Nonoh Fraginal
– isang kinilala lamang sa tawag na Timiong; at
– isang walong buwang gukang na sanggol na may apelyidong Kasim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.