Vietnam naghahanda na sa pananalasa ng bagyong Vinta
Matapos manalanta ng bagyong Vinta na mayroong international name na Tembin sa Pilipinas ay sunod nitong babayuhin ang Vietnam.
Kaya naman nagsimula nang magsilikas ang mahigit 1.1 milyon katao mula sa 15 mga probinsya at mga lungsod sa katimugang bahagi ng nasabing bansa.
Batay sa storm forecast, inaasahang direktang babayuhin ang tabing dagat sa mga lalawigan ng Ba Ria – Vung Tau hanggang Ca Mau.
Sa huling datos ng National Hydrometeorological Forecast Centre (NHFC), gumagalaw ang naturang bagyo sa bilis na 15 hanggang 20 kph at mayroong lakas ng hangin na 75 hanggang 90kph.
Habang nagpapatuloy ito sa paggalaw papunta sa kanlurang direksyon ay inaasahan itong hihina at mula sa typhoon category ay magiging tropical depression na lamang.
Simula pa lamang kagabi ay nagdulot na ng 50mm na ulan ang typhoon Tembin.
Paalala pa ng NHFC, posibleng magkaroon ng flashflood at landslide sa Quang Ngai hanggang Binh Thuan, Ba Ria-Vung Tau, at Kien Giang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.