Duterte aminado na apektado siya sa sunod-sunod na mga trahedya
Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay nalulungkot dahil magtatapos ang taong 2017 na mayroong kakaibang “big bang” tulad ng pighati at pagdadalamhati.
Partikular na tinutukoy ng pangulo ang sunod-sunod na trahedya sa Pilipinas gaya na lamang ng nagdaang bagyong Urduja at Vinta kung saan nasa dalawang daang katao ang nasawi pati na ang sunog sa Davao City na ikinasawi ng tatlumpu’t walo katao.
Binanggit rin ng pangulo ang aksidente sa Agoo, La Union kung saan dalawampu naman ang namatay.
Sa pakikpagpulong ng pangulo sa mga lokal na opisyal sa Tubod, Lanao Del norte ngayong hapon, personal nitong ipinaabot ang kanyang pakikiramay para sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa trahedya.
Sinabi nito na hindi naging maganda ang Pasko para sa lahat.
Ipinapanalangin ng pangulo na sana ay maging maganda ang pagpasok ng taong 2018.
“There seems to be a sorrow prevailing in the country today and it was not already a good Christmas day for all of us, thinking that there are persons suffering”, ayon sa kay Duterte.
Bukod sa mga namatay sa mga sunod-sunod na trahedya, aminado ang pangulo na hindi madali ang muling makabangon muli pero pipilitin aniya ng gobyerno na agad na maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga apektadong residente.
Tiniyak pa ni Duterte na mayroong sapat na pondo ang Department of Social Welfare and Develeopment maging ang Department of Agriculture para ayudahan ang mga magsasaka na nasiraan ng mga pananim dahil sa bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.