Four items sa loob ng national budget ibinasura ng pangulo
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpasya siyang i-veto ang apat na items na nakapaloob sa P3.7 Trillion na national budget na kanyang nilagdaan para sa taong 2018.
Ipinaliwanag ng pangulo na base sa kanyang pag-aaral ay hindi makatwiran ang ilang mga “items” na makakabawas sa pondo ng gobyerno.
Kanyang ring sinabi nakatutok ang kanyang administrasyon sa mga infrastructure projects, peace and order pati na rin sa pagsaa-ayos ng buhay ng bawat ordinaryong Pinoy.
Una sa kanyang inalis ay ang grant para sa monitoring at pondo sa ilang mga executive offices ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).
Sinabi ni Duterte na base sa salary standardization law, ang lahat ng mga opisyal ng MTRCB ay tumatanggap na ng honoraria at per diem para sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Kasama rin sa nai-veto ng pangulo ay ang probisyon sa batas na nagbabawal sa collection of fees para sa retention o reacquisition ng Philippine citizenship.
Ipinaliwanag ng pangulo na ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ay may otoridad para maningil ng minimal fee sa mga ganitong uri ng serbisyo.
Ibinasura rin ng pangulo ang probisyon na pinagtibay ng Department of Education para gamitin ang school maintenance sa kanilang mga operating expenses sa ilang mga proyekto na magsisilbing bahagi ng capital outlay.
Ika-apat sa mga nai-veto ng pangulo ay ang pagbabawal sa paggamit ng kita ng Energy Regulatory Commission sa kanilang operating requirements.
Dapat umanong gamitin ng ERC ang kanilang pondo na umaabot sa P413.6 Million na galing sa general appropriation.
Pero babala ng pangulo, dapat gamitin ang mga pondo ng pamahalaan sa tamang pamamaraan lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.