Isang Chinese national ang inaresto ng mga kagawad ng Bureau of Customs sa NAIA Terminal 1 noong December 24 matapos na mahulihan ng daan-daang skimming machines o gamit sa credit card fraud.
Nakumpiska mula sa suspek na si Wenshen Zeng ang 313 na one time password card, isang portable point of sale system, 40 smartphone, siyam na documentary stamp at isang closed circuit television.
Ang naturang Chinese national ay dumating sa bansa sakay ng China Southern Airline Flight CZ 3091 mula sa Guangzhou, China.
Ang mga nasabing skimming device ay nasa kustodiya na ng Bureau of Customs habang si Zeng ay itinurn-over sa Pasay City Prosecutors’ Office.
Inaalam na rin ng mga otoridad kung may kasabwat na grupo sa ating bansa ang nasabing suspek.