Aldin Ayo lumipat na sa UST

By Den Macaranas December 27, 2017 - 04:13 PM SHARE(S):
Inquirer photo

Si Aldin Ayo na ang bagong coach ng University of Santo Tomas basketball team sa UAAP.

Sa ulat na inilabas ng official student publication ng UST na The Varsitarian, kanilang sinabi na “It seems like Mayhem is coming to España”.

Sa katatapos pa lamang na season ng UAAP ay matunog na ang balita na lilipat sa UST ang head coach ng De La Salle University Archers.

Ito ay makalipas na mangulelat sa UAAP basketball league ang UST sa katatapos na liga na naging dahilan ng pagbibitiw ni Boy Sablan bilang head coach ng Growling Tigers.

Sa December 31 matatapos ang kontrata ni Ayo sa DLSU.

Matunog naman ang balita na hahalili kay Ayo sa bilang head coach ng Archers si Richard Del Rosario.

Kinuha rin umano ng DLSU ang serbisyo ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone bilang kanilang consultant.

TAGS: aldin ayo, coach, cone, DLSU, UST, aldin ayo, coach, cone, DLSU, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.