Faeldon bagong deputy administrator ng OCD

By Chona Yu, Den Macaranas December 27, 2017 - 03:41 PM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang deputy administrator ng Office of the Civil Defense si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon sa December 22, 2017 memorandum na nilagdaan ng pangulo, papalitan ng dating Marine Captain si dating deputy administrator Rodolfo Demosthenes Santillan.

Wala pang inilalabas na pahayag si Faeldon na hanggang ngayon ay nasa custody ng Senate Sergeant-at-Arms makaraan siyang i-cite on contempt dahil sa pagbalewala sa summons kaugnay sa shabu shipment sa Bureau of Customs.

Si Faeldon ay nagbitiw sa kanyang posisyon bilang pinuno ng BOC noong nakalipas na buwan ng Setyembre dahil sa nasabing kontrobersiya.

Ang OCD ang nangangasiwa sa mabilis na pagtulong sa mga lugar na sinalanta ng natural at man-made calamities ay nasa ilalim ng Department of National Defense.

 

Inquirer file photo

TAGS: customs, deputy administrator, duterte, ocd, customs, deputy administrator, duterte, ocd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.