Kopya ng resignation ni VM Paolo Duterte, kapapadala lang sa Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2017 - 01:03 PM

Presidential Photo

Kapapadala lamang ngayong araw, Dec. 27 ng kopya ng resignation letter ni Vice Mayor Paolo Duterte sa Malakanyang.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, kahapon lang Dec. 26 nang malagdaan ni Paolo ang kaniyang resignation.

Matapos ito ay ipinadala ang nilagdaang kopya ng resignation letter sa Malakanyang sa pamamagitan ng LBC ngayong araw.

“The resignation dated Dec. 26 was signed yesterday by Vice Mayor Paolo. It was sent thru LBC today to the OP,” ayon kay Mayor Sara Duterte.

Sa ngayon, sinabi ni Mayor Sara na wala silang ideya kung aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation.

Nananatili aniyang naka-leave si Paolo hanggang December 31, at palalawigin nito ang kaniyang leave of absence hangga’t hindi tinatanggap ang kaniyang pagbibitiw.

Ani Mayor Sara, hangga’t hindi tinatanggap ni Pangulong Duterte ang resignation ay hindi ito magiging pinal.

Ikinuwento din ni Mayor Sara Duterte na wala sinuman sa kanila na may ideya na magbibitiw si Paolo.

Lumutang lang aniya ang naisin ni Paolo na magbitiw na sa pwesto dahil sa isyu ng P6.4 billion shabu shipment kung saan nadawit ang kaniyang pangalan at hinggil din sa naging alitan nila ng kaniyang anak na si Isabelle Duterte.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao City, paolo duterte, Radyo Inquirer, Sara Duterte, Davao City, paolo duterte, Radyo Inquirer, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.