Chinese President Xi Jinping, nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasalanta ng bagyong Vinta sa Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2017 - 10:47 AM

Photo: PDRRMO

Nag-alok ng emergency assistance si Chinese President Xi Jinping para sa relief at rescue efforts sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Vinta.

Kasabay nito, nagpaabot din si Xi ng pakikiramay at simpatya kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dami ng nasawi at sa tindi ng pinsalang idinulot ng bagyo.

Ayon sa pahayag na sa website ng embahada ng China, handa ang pamahalaan ng nasabing bansa na tumulong para sa rescue at relief efforts sa lahat ng naapektuhan ng bagyo.

Noong Lunes, nagpahayag na rin ang pamahalaan ng Japan ng kahandaang tumulong sa Pilipinas.

Sa pinakahuling datos aabot sa mahigit 200 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Vinta habang 170 pa ang nawawala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: philippines, Relief operations', Typhoon Vinta, Xi Jinping, philippines, Relief operations', Typhoon Vinta, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.