Aabot sa 100 sasakyan na-stranded matapos ang landslide sa Camarines Sur
Na-stranded ang nasa 100 mga sasakyan sa national highway sa bayan ng Del Gallego sa Camarines Sur.
Ito ay makaraang magkaroon ng landslide sa nasabing kalsada sa bahaging sakop ng Barangay Comadaycaday.
Sa abiso ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office ng Camarines Sur, nagpatupad ng total closure sa bahagi ng Del Gallego national highway dahil sa pagguho ng lupa.
Sa video sa Facebook ng netizen na si Christian Magpantay, kitang nabarahan ang magkabilang linya ng lansangan dahil sa putik at bahagi ng puno na gumuho.
Agad namang nagtalaga ng heavy equipment ang lokal na pamahalaan para malinis ang landslide, pero nagdulot na ito ng pagka-abala sa nasa 100 mga sasakyan na ilang oras ding hindi naka-alis sa kalsada.
Wala namang naitalang nasugatan sa nasabing landslide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.