Turnover sa mahigit 500 temporary shelters sa Marawi, pangungunahan ni Pangulong Duterte
Balik sa Marawi City ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para sa turnover ng mahigit 500 transitional shelters para sa mga nabiktima ng giyera sa Marawi.
Ito na ang ikapitong beses na pagbisita ng pangulo sa Marawi City.
Nasa Barangay Sagonsongan sa Marawi ang mga transitional shelters.
Sa first quarter ng 2018 ay target ng pamahalaan na makumpleto na ang 1,170 housing units para sa mga naapektuhang pamilya ng Marawi siege.
Huling nagtungo si Pangulong Duterte sa Marawi nuong Oktubre nang pinangunahan nito ang turnover ceremony ng may 50 temporary shelter para sa 50 mga pamilya na nakatirik sa 1.2 ektaryang lupain sa Barangay Bito Buadi Itowa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.