Ito ang ibinida ng Palasyo ng Malacañang kasabay ng pagtitiyak na magpapatuloy ang mga programa ng pamahalaan upang maiangat ang buhay ng bawat Pilipino.
Sa 63-pahinang yearend report na inilabas ng Malacañang, isinaad ang mga nagawa ng Duterte administration sa papatapos na taong 2017.
Kabilang dito ang mga naging accomplishment ng PNP, PDEA at iba pang mga law enforcement agencies sa pagsawata ng iligal na droga sa bansa.
Sa hanay naman ng anti-criminality campaign, isinasaad sa yearend report ang pagbaba ng 8.44 percent ng total crime volume ng mga krimen sa Pilipinas sa taong 2017.
Bumaba rin ang mga insidente ng pagnanakaw ng 23.61 percent.
Binanggit rin sa naturang ulat ang rekomendasyon ng dismissal sa serbisyo ng nasa 426 na pulis dahil sa iba’t ibang kaso.
Kabilang na dito ang dalawang pulis na nasangkot sa pagpatay sa 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz.