Pera na walang mukha iimbestigahan na rin ng BSP

By Alvin Barcelona December 26, 2017 - 04:54 PM

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na aalamin nila ang dahilan kung bakit walang mukha ang P100 bill na nakuha mula sa isang automated teller machine ng isang netizen.

Ayon kay BSP Gov. Nestor Espenilla, inumpisahan na nila na imbestigahan ang nasabing insidente para maresolba ang isyu ng netizen na si Earla Anne Yehey.

Gusto aniya nila na makakuha ng sampol ng perang walang mukha ni dating Pangulong Manuel Roxas para maisailalim sa kanilang inspeksyun.

Una rito, nag-post ang netizen na si Earla Anne Yehey ng mga larawan ng pera na nakuha niya mula sa atm ng Bank of the Philippine Islands.

Tinag-post ni Yehey sa kanyang post ang BPI at BSP na agad na umaksyon dito.

Nauna nang sinabi ng BPI sa kanilang pahayag na gagawa rin sila ng sariling imbestigasyon sa nasabing isyu.

TAGS: bpi, BSP, manuel roxas face, P100, bpi, BSP, manuel roxas face, P100

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.