4 na bayan sa Zamboanga Del Norte isinailalim na sa state of calamity
Apat na bayan sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte ang isinailalim sa State of Calamity dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyong Vinta.
Ayon kay Praxides Rubia, ang information chief ng Zamboanga Del Norte, kabilang sa mga nasa state of calamity ngayon ang mga bayan ng Siocon, Gutalac, Salug at Labason.
Ipinaliwanag ni Rubia na nagsasagawa ng damage assessment ngayon ang mga bayan ng Sibuco, Baliguian, Sirawai at Liloy.
Ayon pa sa opisyal, magpapatawag pa ng sesyon ang Sangguniang Panlalawigan para madetermina kung isasailalim sa state of calamity ang buong lalawigan.
Aabot sa pitumpu’t dalawa katao ang nasawi sa Zamboanga del Norte matapos malunod dahil sa bagyong Vinta.Marami ring mga panananim at mga imprastraktura ang nasira dulot ng pananalasa ng nasabing bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.