Pagtataas ng multa sa mga tsuper na masasangkot sa aksidente isinulong sa Kamara

By Erwin Aguilon December 26, 2017 - 03:35 PM

Radyo Inquirer

Parusa sa mga driver at transport operators na sangkot sa aksidente pinabibigatan ng isang kongresista.

Isinusulong ngayon ni Abra Rep. JB Bernos ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga driver at operator ng mga public transport na masasangkot sa aksidente.

Ayon kay Bernos, dapat rebisahin ang road safety laws ng bansa para sa pagpapataw ng mas mataas na parusa sa mga ito.

Sinabi ng mambabats na base sa New Civil Code, halagang P3,000 lamang ang penalty ng mga negligent drivers habang base naman sa naging pasya ng Supreme Court – P50,000 civil indemnities ang iginagawad sa naging biktima.

Nakalulungkot ayon kay Bernos na binabayaran lamang ang buhay ng tao na namatay sa aksidente ng halos kasing halaga ng latest gadget.

Iginiit nito na ang halaga ng ibinabayad sa mga biktima ay hindi para dapat sa buhay ng mga ito kundi para sa turuan ang mga pasaway na driver ng leksyon.

Paliwanag nito, bagaman may presyo ng itinakda ang korte kailangan pa ring muling pag-aralan ang road safety laws upang maparusahan din ang mga operator sa kanilang pagkuha ng mga pabayang mga driver.

Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas kasunod ng malagim na aksidente sa pagitan ng isang dyip at bus kung saan 20 miyembro ng isang pamilya ang namatay.

TAGS: bernos, Congress, penaty, road accident, bernos, Congress, penaty, road accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.