Magdalo: Shabu shipment controversy di mabubura ng resignation ni Duterte

By Erwin Aguilon December 26, 2017 - 03:05 PM

Inquirer file photo

Inirerespeto ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang pagbibitiw ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa puwesto.

Ayon kay Alejano, karapatan ni “Pulong” na gumawa ng sa tingin niya ay tamang hakbang lalo na kung ito ay tungkol sa kanyang personal na isyu sa kanyang anak.

Gayunman, sinabi nito na hindi nito maaalis ang katotohanan na hindi pa na-address ang usapin ukol sa 604 kilos na shipment ng shabu sapagkat hindi pa natutukoy at naaaresto ang utak nito.

Hindi rin anya maililihis ng pagbibitiw nito ang katotohanan na habang ipinagmamalaki ng pamilya Duterte na mahirap at simple lamang sila ay kabaligtaran naman ang ipinapakita ng anak ni Pulong na si Isabelle.

Bukod dito, sinabi ni Alejano na hindi mababawasan ng pagbibitiw ng batang Duterte ang hinagpis ng mga naapektuhan ng baha at sunog sa Davao City.

Tanong naman ng mambabatas, kung ipine-preempt ni Duterte ang magiging desisyon ng Office of the Ombudsman sa reklamomg korapsyon laban dito.

TAGS: alejano, Davao City, duterte, magdalo, Vice-mayor, alejano, Davao City, duterte, magdalo, Vice-mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.