AFP nakahanda sa posibleng anniversary attack ng CPP-NPA
Nasa full alert status na ngayon ang buong pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pag-atake ng rebeldeng grupo para sa 49th founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CCP).
Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, pinaigting na ng kanilang hanay ang pagbabantay sa mga lugar lalo na sa mga komunidad na madaling atakihin ng rebeldeng grupo.
Sinabi pa ni Arevalo na ang mga ginagawang opensiba ng rebeldeng grupo laban sa pamahalaan ay sumasalamin lamang sa bansag sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa ng teroristang organisasyon ang komunistang grupo.
Sinabi ni Arevalo na nasa defensive posture lamang ang AFP dahil sa idineklarang ceasefire ni Pangulong Duterte.
Ibig sabihin, hindi muna gagawa ng anumang opensiba ang militar pero handang dumipensa kapag sinalakay ng rebeldeng grupo o ng iba pang kalaban ng estado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.