Isa sugatan sa pagsabog ng granada sa Sulu

By Chona Yu December 26, 2017 - 12:52 PM

FB Photo | Hassanal Tulawie

Isa ang nasugatan sa pagsabog ng granada sa loob ng isang subdivision sa Jolo, Sulu.

Sa Facebook post ni Hassanal Tulawie, nakarinig sila ng isang malakas na pagsabog sa loob ng subdivision.

Matapos ang pagsabog, nakita nilang sugatan at putol ang kanang kamay ng isa nilang kapitbahay.

Hindi pa tukoy kung sino ang responsible sa pagsabog.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga pulis kaugnay sa naturang insidente

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: grenade explosion, Jolo Sulu, grenade explosion, Jolo Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.