Kayapa, Nueva Vizcaya, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol; pagyanig, naramdaman sa Baguio City

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2017 - 12:38 PM

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Kayapa sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Naganap ang lindol sa 7 kilometers north ng Kayapa alas 12:12 ng tanghali ng Martes, Dec. 26.

May lalim na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity III sa Baguio City at Intensity II naman sa Bayombong, Nueva Ecija.

Matapos ang 4.8 magnitude na lindol, nakapagtala ng magnitude 3.8 na aftershock ang Phivolcs sa parehong lugar alas 12:17 ng tanghali.

Ang epicenter ng aftershock ay naitala ng Phivolcs sa 9 kilometers north ng Kayapa at nai-record ang Intensity II sa Baguio City.

Hindi naman inaasahan na magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: earthquake, Kayapa Nueva Ecija, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, earthquake, Kayapa Nueva Ecija, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.