3 sugatan sa ligaw na bala; 7 ang naaresto kabilang ang 2 pulis

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2017 - 12:31 PM

Tatlo na ang naitala ng Philippine National Police (PNP) biktima ng stray bullets.

Ayon sa datos ng PNP, mula December 16 hanggang alas 6:00 ng umaga ng December 26 ay nakapagtala ng tatlong nasugatan dahil sa ligaw na bala mula sa NCR, Region 3 at Region 5.

May naitala ding kaso stray bullets mula sa Region 1 at Region 13 pero wala namang nasugatan sa insidente.

Ayon sa PNP, pito ang kanilang nadakip kabilang ang dalawang pulis habang pito pa ang pinaghahanap dahil sa illegal discharge for firearms.

Isa sa mga inarestong pulis ay si PO1 Arnold Gabriel Sabillo na nakatalaga sa Montalban Police station. Nadakip si Sabilla nang ireklamo ng isang residente dahil sa pagpapaputok ng baril sa Sgt. De Leon Street, HBO compound sa Barangay Santolan Pasig City noong hapon ng December 24.

Nakuha mula kay Sabillo ang isang 9mm Beretta na kargadong ng 11 bala habang may nakuha ring tatlong basyo ng bala ng baril sa lugar.

Maliban sa dalawang pulis, nadakip din ang isang kagawad ng barangay sa Region 1 at apat na sibilyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 3 injured, seven arrested, Stray bullets, 3 injured, seven arrested, Stray bullets

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.