Magsasagawa ng imbestigasyon ang Bank of the Philippine Islands (BPI) kaugnay sa P100 bills na n a-withdraw sa kanilang ATM na walang mukha ni dating Pangulong Manuel Roxas.
Ayon sa pamunuan ng BPI, sinusubukan na nilang makipag-ugnayan kay Earla Anne Yehey, ang netizen na nag-post sa kaniyang Facebook ng larawan ng apat na piraso ng P100 na walang mukha ng dating pangulo.
Kita sa larawan ang ATM ng BPI sa background at naka-tag din ang BPI at Bangko Sentral ng Pilipinas sa post ni Yehey.
Sinabi ng BPI na nagsasagawa sila ng beripikasyon hinggil sa nasabing FB post.
Una nang sinabi ni Yehey na na-withdraw niya ang nasabing mga pera sa ATM ng BPI sa Eastwood, Quezon City alas 2:30 ng madaling araw noong December 25.
MOST READ
LATEST STORIES