Warehouse nasunog sa Quezon City

Kuha ni Justinne Punsalang

Tinupok ng apoy ang isang warehouse sa Barangay Commonwealth sa Quezon City.

Ayon kay Inspector Rosendo Capillan ng Quezon City-Bureau of Fire Protection (QC-BFP), nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali na pagmamay-ari ni David Bonamy.

Maswerte namang walang nasugatan sa naturang sunog.

Hindi rin nadamay ang isang gas station na malapit lamang sa nasunog sa warehouse.

 

 

 

 

Read more...